Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at tukuyin kung ito ay tama or mali. Isulat ang sagot sa patlang. _____1. Hindi kinakalimutan ni Jose ang pagdarasal bago kumain at matulog. _____2. Ginagalang ni Darwin ang paniniwala at pananalig ng ibang tao. _____3. Tinutulungan lamang ni Joseph ang mga taong pareho ng kanyang paniniwala. _____4. Nakikipagtalo si Clarisse sa ibang tao dahil sa magkakaibang pananampalataya. _____5. Sinisiguro ni Titser Tricia na walang maiinsulto tuwing nagtatalakay tungkol sa iba't ibang relihiyon. _____6. Ang ispiritwalidad at pananampalataya ay may malaking bahaging ginagampanan sa paghubog ng mabuting pagkatao. _____7. Mas lumalayo tayo sa Diyos, ma lalong nahuhubog ang ating kabutihan. _____8. Ang pagiging mabuting tao ay hindi nakadepende sa relihiyon at paniniwala. _____9. Ang ispiritwalidad ay napapalalim kahit hindi sinasabuhay ng tao ang salita ng Diyos. _____10. Pananalig sa Diyos ang nagtuturo sa tao upang magtiwala at magkaroon ng pag-asa.