______________1.Naniniwala ang taong ito na winasak ng sining at agham ang likas na kabutihan ng tao.
______________2.Ang tingin sa haring ito sa kanyang sarili ay ang ‘’Unang Alipin ng Estado’’ na ang tungkulin ay magtrabaho para sa kapakanan ng lahat.
______________3.Itinuturing na isang mahusay ang pinunong ito at sa katunayan siya ay binansagan bilang ‘’Ang Magsasakang Emperador’’
______________4.Siya ay nakaimbento ng mga makabagong daang mas matigas, matibay, at makinis kaysa sa mga lumang kalyeng yari sa putik.
______________5.Siya ang nakatuklas sa prinsipyo ng pendulum na naging daan upang matutuhan ang mas tumpak na paraan ng pagbibigay ng oras.
______________6.Sa kanyang paglalakbay ay napatunayan na ang New World ni Columbus ay isang bagong kontinente at hindi bahagi ng Asia.
______________7.Ito ang tawag sa dominasyon ng isang bansa sa politika, ekonomiya, at kultura ng isang bansa.
______________8.Ito ang tawag sa mga sundalong Indian na naglilingkod sa mga Briton sa India.
______________9.Ito ay isang kaugaliang Hindu na sinasamahan ng isang biyuda ang kaniyang asawa sa kamatayan sa pamamagitan ng pagsusunog sa sarili.
______________10.Sa sistemang ito ang mga lokal na pinuno ay umaasang tatanggapin ang mga payo ng Europeo sa larang ng kalakalan o mga gawaing pangmisyonaryo.
______________11.Ito ang tawag sa lihim na pangkat na tumutuligsa sa mga kanluranin at marami sa mga Tsino ang lumahok dito.
______________12.Sa loob ng apatnapu’t limang taon ng Meiji, ang bansang ito ang naging kauna-unahang industriyalisadong bansa sa Asia.
______________13.Siya ay pinakakilalang misyonaryo sa Africa na siya ring tumutol sa kalakalan ng alipin.
______________14.Ito ang tawag sa digmaan ng mga tsino at mangangalakal na Ingles.