👤

V. Repleksiyon:
Sa talahanayan sa ibaba, magtala ng tatlong (3) pamamaraan ng pagpapakita o pagpapamalas ng katapatan sa iyong kaibigan. Kaugnayan ng naitala mong pamamaraan ng pagpapamalas ng katapatan, isulat din ang kahalagahan nito at ang sa palagay mong magiging bunga o Kahihinatnan kung hindi mo maipapamalas ito.

•Mga pamamaraan ng pagpapamalas ng katapatan sa aking kaibigan:

Halimbawa:
"Tinatanggap ko ang aking nagawang pagkakamali bilang isang kaibigan".

1. ______________________________________________________________________________________________.

2. ______________________________________________________________________________________________.

3. ______________________________________________________________________________________________.

•Kahalagahan ng pagpapamalas nito:

Halimbawa:
"Mahalaga ang pagtatanggap ng aking nagawang pagkakamali dahil napatitibay nito ang tiwala at respeto namin sa isa't isa".

1. ______________________________________________________________________________________________.

2. ______________________________________________________________________________________________.

3. ______________________________________________________________________________________________.

•Bunga o Kahihinatnan kung hindi ko ito maipapamalas:

Halimbawa:
"Kung hindi ko matanggap ang aking nagawang pagkakamali, magkakaroon kami ng hindi pagakakunawaan sa isa't isa. Maaring mababawasan o mawawala ang kanyang tiwala sa akin''.

1. ______________________________________________________________________________________________.

2. ______________________________________________________________________________________________.

3. ______________________________________________________________________________________________.

Patulong po please
Nonsense report ‼️
Kailangan ko po ng tamang sagot, thank u!


Sagot :

V. Repleksiyon:

•Mga pamamaraan ng pagpapamalas ng katapatan sa aking kaibigan:

1. Itinatago ko ang kanyang sikreto at hindi ko ito ipinagsasabi sa kahit kanino.

2. Pinagsasabihan ko siya kung mali ang kanyang mga pasiya.

3. Hindi ko sinisira ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin.

•Kahalagahan ng pagpapamalas nito:

1. Ang pagtatago ko ng kanyang sikreto ay nakatutulong upang mapagkatiwalaan ko din siya sa mga sikreto ko rin na aking ibinubunyag.

2. Natututo siyang gumawa ng tama at isipin din ang kapakanan ng kanyang kapwa.

3. Nagkakaroon kami ng tiwala sa isat isa at lalo pang tumitibay ang aming pagkakaibigan.

•Bunga o Kahihinatnan kung hindi ko ito maipapamalas:

1. Maaaring pagmulan ito ng matindi naming away kung ibubunyag ko ang sikreto niya sa ibang tao.

2. Hindi soya matututo at masasanay siyang gumawa ng mga pasyang hindi makatutulong sa kanyang sarili.

3. Mawawala ang pagkakaibigang nabuo namin kung masisira din ang tiwalang ipinagkaloob namin sa isat isa.