I. PANUTO: Basahin at unawain kung ang mga sumusunod ay napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga materyal na bagay. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.) Ang mga sumusunod ay mga “slogan” na tumutukoy sa pangangalaga sa sarili maliban sa isa, ano ito?
A. Sakit ay iwasan, kalusugan ay ingatan.
B. Upang humaba ang buhay,kumain ng gulay
C. Boses ng kabataan pag-asa ng bayan.
D. Katawan ay igalaw galaw, iwas sakit ay makakamtan.
2.) Alin sa mga sumusunod ang HINDI nilikha ng Diyos ngunit dapat din nating pahalagahan?
A. halaman
B. prutas
C. laruan
D. kaibigan
3.) Alin sa mga gawain sa ibaba ang nakapagdudulot ng sakit sa ating katawan?
A. Araw-araw na pag-eehersisyo.
B. Naliligo pagkatapos maglaro.
C. Kumakain ng prutas at gulay.
D. Naghuhugas ng kamay bago at matapos kumain.
4.) Paano mo gagamitin ang mga bahagi ng iyong katawan sa pagpapahalaga sa iyong kapuwa-tao? Gagamitin ko upang _______.
A. magsilbing kadamay sa lahat ng pagkakataon.
B. makapagbigay ng pinansyal na tulong na walang hinihintay na kapalit.
C. makapag-abot ng tulong sa mga kalapit na barangay bilang paggalang sa kanila.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
5.) Ang mga sumusunod ay mga gawain na nagpapakita ng paggalang sa kapwa maliban sa isa. Alin ito?
A. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga taong hirap sa buhay.
B. Kusang pagtulong nang walang hinihintay na kapalit.
C. Pagbibigay ng tulong sa mga piling tao lamang na nasalanta ng kalamidad.
D. Pinakikitunguhan ang mga may kapansanan nang maayos at wasto.