👤

Pagpipilian:

A. Naturalisasyon G. Dayuhan
B. Jus Sanguinis at Jus Soli H. Dual Citizenship
C. Saligang Batas I. Pagkawala ng Pagkamamamayan
D. Pagkamamamayan J. Jus Soli
E. Muling pagkamit ng pagkamamamayan K. Mamamayan
F. Jus sanguinis

*****
____1. Pagkamamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng magulang.
____2. Tumutukoy ito sa mga taong nakatira sa isang bansa o estado na tumatamasa ng mga
karapatan.

____3. Proseso ng pagkamamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.

____4. Dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino.

____5. Ito ay tumutukoy sa mga taong bumibisita o pansamantalang nakatira sa isang bansa.

____6. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.

____7. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas.

____8. Proseso ng pagkamamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.

____9. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.

____10. May dalawang pagkamamamayan.


Sagot :

Answer:1. F

2. K

3. A

4. B

5. G

6. C

7. E

8. J

9. I

10. H

Explanation:

Ang NATURALISASYON ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.

Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino ayon sa Kapanganakan:

Jus Sanguinis • Ang Pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.

Jus Soli • Naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang Pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.

Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o sapilitan. Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga ito: 1. Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa. 2. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa. 3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong gulang.

Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa ay maaaring maging Pilipino muli sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan: 1. Muling naturalisasyon 2. Aksiyon ng Kongreso 3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas 4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang Lakas

Explanation:

Go Training: Other Questions