kaniyang sinilangan. Mga Gawain sa pagkatuto A. Suriin ang mga sitwasyon. Isulat ang PILIPINO kung ito ay tumutukoy sa pagkamamamayang Pilipino, kung ito naman ay hindi isulat ang HINDI - PILIPINO. 1. Ako si Agustin. Ang aking ina ay isang Pilipino at ang aking ama ay isang Amerikano. Pinanganak ako dito sa Pilipinas at dito na rin ako nanirahan. 2. Ako si Samantha ako ay nakapag-asawa ng Hapon. Ako ay mahigit sampung taon ng naninirahan sa Japan kasama ang aking asawa at aking mga anak. 3. Ako si Agnes nagtatrabaho sa Canada at pagkatapos ng tatlong dekado ako ay nanumpa ng katapatan sa saligang - batas ng ibang bansa. 4. Ako si Joe taga Italya. Ako ay masayang nagbabakasyon sa Pilipinas kasama ang aking kasintahan na si Lea na taga - Maynila. 5. Ako si Ivan pinanganak ako sa Iloilo. Ang aking ama ay isang Ilonggo at ang aking Ina ay isang Ilokano. 6. Ako si Mariano ako ay isang sundalo subalit ako ay kasalukuyang bahagi ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. 7. Ako si Vanessa ako ay pinanganak sa Korea. Ang nanay ko ay isang Pilipino at ang aking ama ay Koreano. Nagdesisyon ang aking ina na umuwi sa Pilipinas at dito na ako lumaki, nakapagtapos ng pag-aaral at nakahanap ng trabaho. 8. Ako si Capt. Lorenzo isang sundalo. Nagkaroon ng labanan sa aming bayan. Dahil sa aking takot ako ay tumakas sa aking trabaho. 9. Ako si Jasmine ako ay nanumpa ng pagkamarnamayan sa Republika ng Tsina. 10. Ako si Agnes lumaki sa bayan ng Isulan. Ako ngayon ay dalawang taong nagtatrabaho sa Kuwait