Sagot :
Answer:
Para mas lalong maunawaan ang Kabanata 10:
Buod
Si Simoun ay tumuloy patungo sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang pagkain at ibang pang kailangan, at dalawang kaban ng mga alahas upang ibenta.
Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas
ni Simoun na sina Kapitan Basilio, kanyang anak
na si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana
Penchang na kung saan may balak bumili ng
isang singsing na may brilyante para sa birhen
ng Antipolo.
Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni Simoun.
Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at ang iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales.
Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang naging kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may halagang limang daang piso.
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Suliraning Panlipunan
Ang agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman ay maaaring magdala ng sama ng loob, himagsik at trahedya.
Dala ng kahirapan kaya nakakagawa ng masama sa ibang tao.
Sa kagustuhang makaangat sa buhay, pati ang paggawa ng kasalanan ay hindi na iniisip makaahon lang sa hirap.
Ipinakikita ang mga Suliraning Panlipunan na ito sa pangyayari na:
Tumuloy si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales, kung saan siya nagdaraos ng kanyang pagtitinda ng mga iba't ibang alahas at hiyas na talagang hinahangaan ng lahat. Pinapakita niya ang mga hiyas na galing sa iba't ibang mga bansa, orihinal, at may mahalagang kasaysayan, siya rin ay nagmamay-ari ng maraming brilyante. Marami ang na-engganyo at bumibili sa kanya. Kinabukasan ay nalaman na lamang ni Simoun na nawala na ang kanyang rebolber sapagkat inanakaw ito ni Tales. Nabalitaang mayroong mga pinatay si Tales sa madugo at walang awang paraan upang makuha ang kanyang ninanais sa buhay ng dahil sa kanyang kahirapan, at ang kagustuhan nitong makapiling ang kanyang anak na si Huli at mabuhay ng mapayapa.