1. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung nagpapahayag ng pananaw at paniniwala ng mga sultanato (katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan ekis (X) kung hindi. 1. Mahalaga sa mga Muslim ang kalayaan sa sariling relihiyon. 2. Ang Sultanato ay isang matatag at sentralisadong pamahalaan ng mga Muslim kaya hindi sila masakop sakop ng mga Espanyol. 3. Para sa mga katutubong Muslim, hindi katanggap-tanggap ang pamahalaang sultanato kaysa sa kolonyalismo. 4. Matatapang at malalakas ang loob ng mga pinunong sultan. Ayaw nilang mapasailalim sa pamahalaang Espanyol dahil masasayang lamang ang kanilang kaunlaran at katatagan maging ang kalayaan sa relihiyon at paniniwala. 5. Ang pagsakop sa teritoryo ng mga Muslim ay nangangahulugan ng malaking digmaan hanggang kamatayan dahil mahalaga ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. II. Tukuyin kung ang dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ay POLITIKAL, PANRELIHIYON O EKONOMIKO Espanyol. 1. Nag-alsa ang mga Pilipino dahil sa di makatuwirang pagsingil ng tributo o matataas na buwis ng mga 2. May mga katutubong ayaw magpabinyag sa bagong relihiyon at nagpasya na lamang na umakyat sa kabundukan. 3. Naghimagsik ang mga Pilipino dahil inalisan sila ng mga karapatang mamahala sa mga nasasakupan. 4. Nakipaglaban ang mga katutubong Pilipino sa mga dayuhang Espanyol dahil sa sapilitang paggawa o polo y servicio 5. Nagalit ang mga katutubong Pilipino dahil sa sistema ng Bandala kung saan sapilitang binibili ng pamahalaang Espanyol ang ani ng magsasaka sa murang halaga.