Gawain sa Pagsulat Bilang 1 Tukuyin ang angkop na panukat na inilalarawan sa bawat bilang Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang. 1. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay. 2. Ito ay isang kasangkapan sa pagsusukat na ligtas at madaling gamitin kahit ng mga bata, magaan at maaaring dalhin kahit saan. 3. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye, at panukat ng mahabang bagay. 4. Ito ay kasangkapang ginagamit sa pagsukat ng mga bagay na mas malaki kaysa sa piraso ng papel. 5. Ito ay ginagamit sa pagkuha ng digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya. eskuwalang asero tape measure zigzag rule meter stick protraktor