Ang pagsasagawa ng iba’t ibang proyekto ay isang gawaing kawili-wili, nakalilibang, at higit sa lahat, kapaki-pakinabang na gawain lalo na kung isasaalang-alang ang pagsunod sa mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan habang gumagawa.

Pangkaligtasang Panuntunan
- Iwasan tumuntong sa silya kung mag-aagiw sa halip gumamit ng walis na may mahabang hawakan.
- Huwag gaanong padudulasin ang sahig dahil ito ay maaaring magdulot ng sakuna o sanhi ng pagkadisgrasya.
- Tiyaking tuyo ang kamay bago tanggalin ang plug ng mga kagamitang de-kuryente bago ito linisin o gamitin.
Pangkalusugang Panuntunan
- Takipan ang mga pagkain sa kusina bago simulan ang paglilinis.
- Takipan ang ilong ng malinis na panyo upang hindi malanghap ang alikabok.
- Simulang linisin ang bahaging itaas ng bahay bago linisin ang sahig upang maiwasan ang pagkalat muli ng alikabok.