Sagot :
Answer:
Mahalaga ang pagunlad ng ekonomiya ng isang bansa sapagkat dito nakasalalay ang estado ng pamumuhay ng bawat mamamayang naninirahan sa bansang ito. Katulad na lamang ng mga bansang alam nating mayaman ang kanilang ekonomiya, halimbawa na rito ang bansang Amerika. Ang presyo ng bilihin ay hindi nagiging balakid sa pamumuhay nila doon. Kaya kung susumahin o ikokompara ito sa ibang bansa, tulad na lamang ng Pilipinas, hindi magkatulad ang konbersyon ng pera rito. Ang isang dolyar ay pumapatak na nasa limampung piso dito sa atin. Dito nasusugat kung gaano kaunlad ang ekonomiya ng bansang Amerika kumpara sa ating sarilang bansa. Kung kaya't bawat namumuno sa bawat bansa, ito ang pangunahing isyu na binibigyan ng atensyon dahil sa kahalagahan nito.
Explanation:
TYms