Panuto: Bumuo ng iskrip batay sa
sitwasyong ipinakikita ng
mga larawan.
![Panuto Bumuo Ng Iskrip Batay Sasitwasyong Ipinakikita Ngmga Larawan class=](https://ph-static.z-dn.net/files/ddf/7cbdfc5db0f9bf7234cd3fec819ffb5f.jpg)
Tag-ulan nanaman, panahon na kung saan ang Barangay Mabini ay napupuno ng baha. Libu-libong mga pamilya ang lumisan panandalian sa kanilang tahanan upang manatiling ligtas sa evacuation centers. Isa na rito ang dalawang inang sina Maria at Clara.
Maria: Jusmeyo, ito nanaman tayo sa bahang ito.
Clara: Oo nga. Lagi nalang ganito, wala na bang magagawa upang mapabuti ang lagay natin?
Maria: Yun nga eh. Hindi manlang nila naiiisip ang perwisyong dulot nito sa ating mga mamamayan.
Clara: Gaano katagal na ba tayong humihingi ng daing mula sa mga nasa kapangyarihan?
Maria: Hindi ko na mabilang sa tagal ng panahon. Sa katunayan, maliban sa mga paglilinis at recovery programs na isinasagawa nila pagkatapos ng matinding pagbaha, wala na ata silang balak gawin upang maiwasan nalang ito.
Clara: Hays, kung maaari lamang sana kaming lumisan dito sa lugar na ito. Ang problema ay wala kaming sapat na pera para maglipat at dito na umiikot ang pamumuhay namin.
Maria: Ganun din ang sitwasyon namin. Wala na rin tayong magawa maliban sa humingi ng tulong sa kinauukulan at mag hantay na sila ay kumilos.
Clara: Ang malungot dito ay napaka tagal ng kanilang tugon. Habang tayo ay nag-aantay, wala tayong choice kundi mag tiis na maglakad sa baha at mag-ingat sa mga sakit na dala nito.
Maria: Mismo. Nakakalungkot na wala tayong magagawa kung kaya't kelangan na magpatuloy na lamang tayo sa ating buhay kahit na tayo ay laging nasa panganib.
Clara: Ipagdasal nalang natin na balang araw ay masagot ang ating mga hinaing.
Maria: Sana nga, mare. Sana.