Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang mga titik KPKA sa patlang kung ito ay tumutugon sa Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal. AML kung ito ay Aktibong Mamamayan ng Lipunan. PM kung nagpapahayag ng Pagkamamamayan at NMP kung nagpapahayag ng Naturalisadong Mamamayan ng Plipinas. 1. Ang pagiging isang aktibong mamamayan ay bukas ang isipan sa mga isyu ng korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ay pagiging isang aktibong mamamayan. 2. Ang pagkakabuklod-buklod ng mga tao ay nagpapakita ng patuloy na pagbabago ng ating lipunan dahil sa lumalawak na konsepto ng pagkamamamayan. 3. Ang magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at ng mga bansa ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyan ayon kay Pangulong Quezon. 4. Ang pananalig sa Poong Maykapal ay isang napakahalagang tungkulin at Kagandahang-asal upang tayo ay gabayan at ang ating bansa. 5. Ito ang ikatlong utos ng Diyos, mahalin at igalang ang iyong mga magulang. 6. Ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay pagkilala na ang isang indibidwal ay may kakayahang paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at gampanan. 7. Ang mamamayan ay nararapat na may kaalaman at kamalayan sa mga isyung kinakaharap ng bansa. 8. Ang pagiging masipag ay daan tungo sa isang matatag na kabuhayan at sa yaman ng bansa. 9. Ang isang mabuting mamamayan ay hindi nakikisangkot sa mga gawaing marahas at sumusunod sa mga batas. 10. Mahalin mo ang iyong bayan. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin.