👤

panuto:gumawa ng tula tungkol sa pag-ibig gamit ang salitang panghihikayatYung maayos na sagot :) ta*na mo nlng kapag di maayos:)​

Sagot :

Answer:

Tula para sa Pag-ibig

mula kay Sweet Lapuz

Pag-ibig na ito'y pagkagulo-gulo,

Kung minsa'y baluktot, kung minsan ay wasto,

Bulag ang katulad, tila nalilito

Kung minsa'y may sakit ng pagkasiphayo

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,

Madarama nama'y kilig sa simula

Sa gitna ay ngiti, sa dulo'y may tuwa,

Kung magmamahal ka ng tama at akma

Sa daraang araw, oras, at sandali,

Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,

Kung maalala ang suyuang huli,

At ang matatamis na sintang mabuti

At ang minamahal kung makakapiling

Ay tila kaybilis ng oras sa dingding

Hahalik sa pisngi at saka yayakapin.

Limot ang problema, 'di makakain.

Kung ika'y iibig, tandaan mo lamang,

Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan.

Pagka't marami riya'y nagpapanggap lamang.