👤

mga kontribusyon ni ramon magsaysay​

Sagot :

Answer:

mga kontribusyon ni ramon magsaysay

• Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.

Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.