Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang J kung Jainismo, S-Sikhismo, T – Taoismo, at Sh – Shinto. ___________1. Ang Yin at Yang ay ang pagiging isa sa kalikasan. ___________2. Binibigyang diin nila ang “asetismo” o pagpapakasakit upang mapaglaban ang kasakiman ng katawan. ___________3. Sila ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas, pataas. ___________4. Sinasamba nila ang mga namatay nilang mga kamag-anak at ninuno. ___________5. Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon sa mga diyos kaya ito’y binibigyang halaga. ___________6. Ang Matsuri ay ang pagpuri sa mga diyos at sa mga sinaunang espirito. ___________7. Ang estado ay nararapat na primitibo, pasibo, at mapayapa. ___________8. Si Lao Tzu ay natutong sumunod sa tinatawag niyang “tao” na ang ibig sabihin ay “isang daan.” ___________9. De: Ang pagkakaroon ng birtud, moralidad, at integridad. ___________10. Ang nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsasama ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay.