Sagot :
Answer:
Ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo upang matulungan ang iyong anak sa pag-aaral mula sa bahay ay ang patuloy na pagbibigay ng routine, suporta at panghihikayat. Hindi ka inaasahan ninuman na maging isang guro o dalubhasa sa paksa.
Mahalagang nakaagapay sa panahon (up to date) ang komunikasyon mula sa paaralan ng iyong anak.
Ang paaralan ng iyong anak ay:
· malinaw na ipapaalam ang mga responsibilidad ng guro ng iyong anak at kung ano ang kailangang gawin ng mga mag-aaral at mga magulang at mga tagapag-alaga
· maglalaan ng mga aktibidad sa pagkatuto para sa iyong anak
· makikipag-usap sa mga magulang at mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga karaniwang pamamaraan, halimbawa sa pamamagitan ng website ng paaralan, mga newsletter at email
· magpapayo sa mga magulang at mga estudyante tungkol sa mga online tool na magagamit ng iyong anak upang masuportahan ang kaniyang pag-aaral mula sa bahay.
Kung wala kang kompyuter o Internet sa bahay, kokontakin ka ng iyong paaralan para pag-usapan kung kailangang humiram ang iyong anak ng isa at kung paano makakatanggap ang iyong anak ang mga materyal sa pag-aaral.