👤

mag bigay ng repleksyon sa el fili?​

Sagot :

Answer:

Repleksyon ng el fili

Ang Aklat ng El Filibusterismo ay ang karugtong ng akalat na Noli Me Tangere, isa sa pinakamagagandang aklat na nasulat ni Rizal na tumutuligsa sa mga pang aapi, pag mamalupit na tinatamasa ng mga Pilipino noon sa ilalim ng pamamahala ng mga kastila. Ang aklat na ito ang nagpagising sa maalab na damdamin ng ating mga kababayan na huwag ng magbulag bulagan sa kanilang mga kaapihang nararanasan, Tunay ngang napakainam na nobela ng El Fili dahil ito nga ang naging instrument sa pagmulat ng diwa ng nasyonalismo ng mga Pilipino at ito rin ang naghawan ng daan patungo sa Rebolusyonaryong Pilipino na nagpabagsak sa Espanya. Idagdag pa dito ang mga pangunahing Karakter sa naturang Nobela na lalong nagbigay ng kulay sa mga nilalaman ng aklat ang bawat tauhan at bawat pangyayaring nagaganap sa aklat na ito ay laging nag-iiwan ng mga aral na talagang tatak sa mga mangbabasa, mahihinuha din natin dito sa pamamagitan ng mga karakter ni Simoun Basilio, Juli, Kabesang Tales na sa kabila ng mga pag subok at hirap na kanilang naranasan ay makikitang meron parin silang pagpapahalaga sa kanilang kapuwa at sa ating bansa, handang ibuwis ang buhay para sa kalayaan ng kanilang bansang minamahal, handang ialay ang kanilang sarili para sa mga taong kanilang minamahal.