Ang Munting Gamugamo
Noon ay may dalawang gamugamo- isang munting gamugamo at isang malaking gamugamo. Kagaya ng lahat ng gamugamo, naakit sila sa liwanag, kaya madalas silang lumalapit sa pinakamaliwanag na ilaw na kanilang Makita.
“Kay ganda ng apoy ng kandila,” sabi ni Munting Gamugamo.
“Mag-iingat ka, Munting Gamugamo,” paalala ni Malaking Gamugamo. “Maganda ang apoy ng kandila, subalit ito rin ay mapanlinlang. Kung mapadikit ka sa apoy, baka matupok ang pakpak mo at hindi ka na makalipad.”
Hindi po ako natatakot,” sagot ng gamugamo. Hindi niya alitana ang babala ng malaking gamugamo. Lalo pa siyang lumapit sa apoy ng kandila upang doon maglaro. “kay sarap ng pakiramdam kapag naglalro malapit sa apoy ng kandila! Kay liwanag at kay init!”
Ngunit bigla siyang napadikit sa ningas ng kandila at nalaglag siya sa mesa.
“Sinabi ko na sa iyo, Munting Gamugamo,” malungkot na sabi ni Malaking Gamugamo. “Ngayon ay hindi ka na makalilipad muli.”
![Ang Munting GamugamoNoon Ay May Dalawang Gamugamo Isang Munting Gamugamo At Isang Malaking Gamugamo Kagaya Ng Lahat Ng Gamugamo Naakit Sila Sa Liwanag Kaya Mada class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d54/c0951f27d97df4da0afc42c90a9eaf38.jpg)