Answer:
Ang Pag-aalsa sa Cavite (Cavite Mutiny sa English) na naganap noong 20 Enero 1872 ay tumutukoy sa pag-aalsa ng humigit-kumulang sa 200 Pilipinong kawal at manggagawa ng Fort San Felipe sa Cavite. Nais ipahayag ng mga manggagawa at kawal ang kanilang mga hinaing at pagtutol sa pagbabayad ng tributo at sapilitang pagtatrabaho (polo y servicio). Ang pag-aalsa ay hindi naging matagumpay at ang mga nakilahok dito ay agad na hinatulan ng kamatayan ng pamahalaang Espanyol. Ang nangyaring pag-aalsa ay isa sa mga pangyayaring pumukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas.
Explanation:
correct me if im wrong