👤

bakit madalas na dinadaanan ng bagyo ang ating bansa​

Sagot :

Answer:  
Madalas dinadaanan ng bagyo ang Pilipinas dahil karaniwang namumuo ang mga bagyo sa Pacific Ocean na nasa Silangang bahagi ng ating bansa.

Hindi na bago sa mga Pilipino ang mga bagyo. Kada taon, tinatayang nasa mahigit labinlimang bagyo ang tumatama sa ating bansa, kaya naman karamihan sa atin ay sanay na sa mga bagyo. Ayon sa mga siyentipiko, ang lokasyon ng Pilipinas ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo madalas daanan ng bagyo. Ang bagyo ay namumuo sa mga karagatang may mas mainit na temperatura, at oras na nagkaroon ito ng sirkulasyon ay patuloy itong lalakas hanggang sa ganap na maging bagyo.  

Explanation: