Gumawa ng simpleng dokumentaryo o panayam sa dalawa o higit pang tao (kapitbahay o kaibigan na kasapi sa anumang grupo na may adbokasiya o ideolohiyang itinataguyod: kamag-anak, lolo, lola, tiyo, tiya, guro, o mga opisyal sa inyong barangay). Maaari itong i-dokumento gamit ang cellphone o anumang gadyet na makatutulong sa pagkuha ng impormasyon kaugnay sa paksa. Maaaring online ang pakikipanayam para makasunod sa Minimum Health Protocols Against Covid-19.
Ito ang magiging gabay sa pakikipanayam.
1. Ano ang dahilan ng pagsali sa samahan o grupo?
2. Ano ang naging karanasan sa pagsama o pagsali sa samahan?
3. Paano naitataguyod o naipaglalaban ang adbokasiya o idelohiya?
4. Kung bibigyan ng pagkakataon, uulitin pa ba ninyo ang pagsali sa Bakit? grupo?