II. Panuto: Ipabasa ang mga pangungusap sa bawat bilang sa magulang o nakatatanda. Piliin ang angkop na mungkahi na solusyon sa mga suliraning nabasa/narinig mula sa akda sa loob ng kahon. a. Nagkaroon sana ng sariling desisyon si Don Diego na makabubuti at hindi ikapapahamak ng kanyang kapatid.
b. Nararapat na paghirapan ni Don Pedro ang kanyang nasa na maging hari sa Berbanya.
c.Matuto sana ang sina Don Pedro at Don Diego na paghirapan ang mga katungkulan o pangarap na inaasam.
d.Kaparusahan ang nararapat kay Don Pedro sa pagtangka nitong pagpatay sa kapatid.
e.Hustisya ang dapat matamo ni Don Juan sa sakit at karahasang dinulot ng kanyang kapatid.
1. Upang magtagumpay sa masamang hangarin, sinaktan at ginamitan ng dahas ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Ano ang dapat gawin sa mga taong mapanakit at mapanlinlang ng kapwa?
2.Naging sunod-sunuran si Don Diego kay Don Pedro sa kabila ng masasamang balak nito sa kanilang bunsong kapatid.
3.Tinangka ni Don Pedro na patayin ang kanyang bunsong kapatid para lamang mapunta sa kanya ang papuri at hindi mabigo sa kanyang tungkuling sinumpaan sa amang hari.
4.Handang gawin ni Don Pedro ang lahat upang makuha ang trono ng ama at makamkam ang kayamanan ng kaharian.
5.Naging biktima si Don Juan ng kasakiman ng kanyang nakatatandang kapatid na ginagalang at pinagbubunyi niya.