👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa iba't ibang pamamaraang inilahad ng pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran, alin sa mga ito ang ginagawa o nagagawa mo na sa inyong tahanan? Bakit? 2. Ano-ano pang mga paraan maliban sa mga paraang tinalakay dito ang makakatulong sa iyong magtipid ng tubig? llista ang mga ito. 3. Sa iyong sariling pamamaraan, paano ka makapag-aambag sa mga proyektong pangkapaligiran sa inyong lugar? 4. Ang pagtatanim ng mga halaman sa lungsod kung saan limitado ang espasyo ay mahirap gawin, kung sakaling nais mo na magkaroon ng sariling mga tanim na gulay o mga halaman, paano mo malulutas ang gayong problema? 5. Nararapat lamang na pasalamatan natin ang Diyos sa Kapaligirang ibinigay nya sa atin. Paano mo maipapakita ang pasasalamat sa Diyos na Lumikha sa lahat ng kagandahan at biyayang ito sa ating paligid?​