Sagot :
Answer:
Malaking hamon kay Florante ang mamuhay sa bagong kapaligiran at malayo sa piling ng mga mahal niyang magulang, Gayun paman sa tulong ng kanyang butihing guro na si Antenor na itinuturing na niyang pangalawang magulang ay madali siyang napayapa at kahit na lubos na nangungulila sa kanyang mga magulang. Naging kamag-aral niya ang kanyang kababayang si Adolfo.Na mas matanda ng dalawang taon sa kanya.
Tampok sa usap-usapan sa buong paaralan si Adolfo dahil sa pagiging matalino at marangal nito. Na nagsisilbing magandang halimbawa para sa lahat.walang kapares sa kabutihang asal at magaling makitungo sa lahat ng mga tao. Ngunit isa ang nararamdaman ni Florante, Hindi sila naging magkaibigan at sa halip ay si Menandro ang naging matalik niyang kaibigan.
Hindi nagtagal ay nalampasan ni Florante ang kagalingan ni Adolfo, natutunan niya ang karunungan sa Pilosopiya,atrolohiya,matematika, at tinapos ang tatlong dunong na ito sa loob ng anim na taon, nalipat sa kaniya ang dating karangalan ni Adolfo,Nakilala siya sa ibat-ibang umpok ng tao mga matatanda,binata at bata.
Unti-unting lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo nabuo ang kanyang galit at panibugho kay Florante isang araw ay inilabas nila ang dulang trahedya kung saan gumanap si florante bilang Etyokles, adolfo bilang Polinese at Menandro bilang Yokasta, nagbago ang mga pangyayari. Iba ang sinambit ni Adolfo. Isang paninisi sa pagkawala ng kaniyang kapurihan kasabay ng tatlong taga na naiwasan ni Florante. Sinundan pa ito ng huling malakas na taga na nasalo naman ni Menandro. Ang lahat ay nabigla sa nangyari pagkatapos si Adolfo ay hindi na nagpakita.Ito ay umuwi na sa Albanya.