Si Stella at ang mga Kaibigan Niya sa Araw ng Pasko Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay. Kahit ang ama niya na si Don Manuel, at ang ina niyang si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao. Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata roon. "Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?" tanong ni Fey, isa sa mga matalik na kaibigan ng dalagita "Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila," paglalahad ng dalagita.
"Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa'yo friend," sabi ni Bea sa kaibigan. Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo. Habang sumasakay sa auto pantation mankakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella 16 ang tunay na dahilan kung bakit mala a bahay-ampunan sa Marga Hera. "Alam niyo, nais ko silang nupusuyu uruagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin. E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila," pagpapaliwanag ni Stella. Hindi nakaimik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.
"Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi niyang kinukwento ang mga naging karanasan niya. Mahirap daw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon," sabi ni Stella. Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis ang natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.
A. Panuto: Punan ng nawawalang impormasyon ang nasa ibaba pagkatapos basahin ang maikling kuwento. (Sagutin ito sa Worksheet 2 sa pahina 28) 1. Tema ng Akda Ano ang pamagat at uri ng akda? 2.Direksyon Mahusay bang naihatid ng may-akda ang proseso ng bawat aspeto ng gumaganap para maiparating nang malinaw ang mensahe nito? 3.Mga Tauhan llarawan ang bida sa akda. Bida: 4.Produksiyon Napalitaw at makatotohanan ba ang panahon at kapaligirang nais ilarawan ng sumulat? 5.Aral Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa pagbasa ng akda?
ANSWER IT PROPERLY PO.
PAKI ANSWER PO YUNG TAMA REPORT KO YUNG MALING ANSWER TY PO