Sagot :
Answer:
Magagamit ang mga kaalaman sa pangangailangan at kagustuhan upang makabuo ng matalinong pagpapasiya sa pamamagitan ng pagtingin muna sa maaring maging resulta, kahihinatnan o bunga ng isang pasya o desisyon upang malaman kung ito ba ay may mabuti o masamang dulot hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin para sa lahat. Hindi maaring magpadalos dalos tayo ng desisyon, kailangan ng malalim, matalino at mapanuring pag-iisip bago magpasiya. Kailangan ding humingi tayo ng payo sa ibang tao para maayos at maganda ang magiging resulta at kalalabasan ng pagpapasiya. Nasa huli palagi ang pagsisisi kaya dapat tama at naayon para sa kabutihan ng lahat ang gagawing pasya.
Explanation: