👤

FILIPINO Panuto: Basahin ang nasa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Anchor: Sandali naming pinuputol ang inyong pakikinig upang ibalita ang isang hindi naasahang kalunos-lunos na pangyayari. Ang bagyong Pablo na ang internasyonal na pangalan ay "Bopha" na ayon sa PAGASA ay itinaas na sa Signal No. 5 ay nanalasa sa Davao Oriental. Ang mga natutulog ay ginulantang ng rumaragasang baha na tumangay kanilang mga bahay. Ang mga niyog sa ekta-ektaryang mga taniman ay nangatumba na barang mga trosong nilagari. Ang mga poste ng elektrisidad ay nangatumba rin kaya nawalan ng kuryente. Napakalakas ng hangin at ulang dala ng bagyo kaya nagkaroon ng flash flood. Maraming nasirang mga bahay at mga gusali. Umapaw ang mga ilog kaya marami ang nakanselang mga biyahe ng eroplano at mga barko. Hintayin ang susunod bang mga balita. 1. Tungkol saan ang balita? A. bagyo C. lindol B. sunog D. wala sa nabanggit 2. Saan nanalasa ang bagyong Pablo? A. Cebu C. Bicol B. Davao Oriental D. Iloilo 3. Bakit nagulantang ang mga natutulog? A. dahil sa mga kulog at kidlat B. dahil sa lakas ng hangin C. dahil sa ingay ng paligid D. dahil sa rumaragasang baha 4. Ano-ano ang mga pinsalang idinulot ng bagyo?please po kailangan ko na po ngayon din ​