Magbigay ng mga salitang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa A.____ang kasingkahulugan at sa B._____ang kasalungat na salita.
1. Ang mga sundalo ay kailangang magkubli upang hindi sila magapi ng mga kalaban.
A._______
B. ______
2. Ang mga taong nakaalitan ng pamahalaan ay kailangang magbalik-loob upang manatili ang kapayapaan sa ating bansa.
A._______
B. ______
3. Namanglaw ang isang ina nang mabalitaan niyang napariwara ang kaniyang anak.
A._______
B. ______
4. Nabulahaw ang mga tao nang may narinig silang isang malakas na pagsabog.
A._______
B. ______
5. Ang magkapatid ay nagitla nang sigawan sila ng kanilang ina.
A._______
B. ______
6. Humikbi ang kaniyang ama nang magkaroon siya ng matinding karamdaman.
A._______
B. ______
7.Hindi maipaliwanag ang kasiyahang nadama ng kaniyang katipan nang siya ay makaligtas sa bingit ng kamatayan.
A._______
B. ______
8. Nagdaos ng isang piging ang ina nang magtamo ang kaniyang anak ng pinakamataas na karangalan sa paaralan.
A._______
B. ______
9. Nagugulumihanan ang binata sa nadarama niya sa kasintahan.
A._______
B. ______
10. Nakamasid na lamang sa malayo ang magsasaka pagkatapos mawalan ng lupang sinasaka.