Basahin ang maikling kwento. Gumawa ng dayagram na may kaugnayan sa sanhi at bunga ng mga pangyayari ayon sa kwento.
Araw ng Sabado, maaga pa lang ay gising na sina Lucas at Liza. Pupunta sa bukid ang kanilang magulang upang mag-ani ng mga gulay. Nagbilin ang kanilang nanay na maglinis at magligpit sila ng mga kalat. Sumang-ayon ang magkapatid sa ibinilin ng kanilang nanay. Nang makaalis na ang kanilang magulang kinausap ni Lucas ang nakababatang kapatid na maglinis. Lumabas ng bahay si Lucas at nakipaglaro sa mga kaibigan. Agad namang naglinis at naglipit si Liza ng mga kalat sa loob ng kanilang bahay. Hindi namalayan ni Lucas ang oras sa pakikipaglaro. Nagpaalam na siya sa mga kabigan dahil nakaramdam na siya ng gutom. Pagdating niya sa bahay nadatnan niya ang mga magulang. Nakayuko si Lucas habang nagagalit ang kanyang nana