Sagot :
Answer:
* Ano ang damdamin mo sa bawat umaga na alam mong papasok ka na sa paaralan? Ngayong sa bahay ka nag-aaral?
- Sobrang excited ngunit ngayon na nasa bahay nalang ako minsan nakakalungkot dahil minsan di nakaka-concentrate o di na nakikita ang mga kaklase.
*Ano ba ang imahe ng paaralan para sa iyo? Ano naman ang imahe ng inyong tahanan bilang bahay-aralan ngayong panahon ng pandemya?
- Para sa akin, sa paaralan ay marami kang matutunan dahil aral lamang ang inaasikaso ngunit ngayon sa kasagsagan ng pandemya hindi ka nakaka-concentrate sa bahay dahil minsan di talaga natin mapigilan ang ingay ng kapit-bahay o utusan nang ating mga magulang o kasama sa bahay.
* Ano kaya ang dahilan ng ilang mga mag-aaral na hindi masaya sa paaralan? Sa bahay-aralan?
Maraming sagot marahil ang pumapasok sa iyong isipan ngayon.
- Siguro, okay lang dahil baka hindi sila komportable sa paaralan at sa bahay lang sila magiging okay. Sa kabilang banda naman yung mga hindi masaya sa bahay pinipilit nalang nila na maging okay kahit hindi masaya sa bahay nila o may mga problema man sila. Dahil na rin sa pandemic kaya kinakaya na lang nilang maging komportable at masaya.
Sa araling ito, susuriin ang isa sa mga posibleng sagot sa mga naunang katanungan. Handa ka na ba?