Sagot :
Kasagutan:
Naturalisasyon
Ito ay tumutukoy sa legal na paraan o proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan sa isang bansa.
----------------------------------------------------------
Iba pang impormasyon:
Jus Sanguinis
Ang Jus sanguinis ay ang pagkamamamayan na nakukuha ayon sa dugo sa nasyonalidad o etnisidad ng mga magulang o isa man sa kanila.
Jus Soli
Jus soli naman ay pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan, sa ilalim nito ay ang isang tao ay makakakuha ng pagkamamamayan ng isang bansa o estado kung saan siya isinilang, anuman ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.