Sagot :
Umiyak nang umiyak ang bata.
Kailan ginagamit ang salitang "nang"?
1. Ginagamit ang salitang "nang" kapag sinasagot ang tanong na "paano":
Halimbawa:
- Paano dapat sumagot sa mga nakatatanda? Dapat sumagot nang magalang kapag kinakausap ka ng mga mas nakatatanda sa iyo.
- Paano maghanda para sa isang kompetisyon ang mga manlalaro? Ang mga manlalaro ay naghahanda nang mabuti sa pamamagitan ng pag-eensayo araw araw kapag may paparating silang kompetisyon.
2. Ginagamit ang salitang "nang" kapag sinasagot ang tanong na "gaano":
Halimbawa:
- Gaano kalayo ang nilakad mo para makauwi? Naglakad ako nang napakalayo dahil wala na akong masakyan.
- Gaano karami ang nahuling isda nilang Mang Juan? Nakahuli nang sobrang daming tuna sila Mang Juan.
3. Ginagamit ang salitang "nang" kapag inuulit ang isang salitang kilos:
Halimbawa:
- Kumain nang kumain ang mga bata pagkatapos nilang maglaro maghapon.
- Tulog nang tulog si Karen tuwing Sabado at Linggo.
4. Ginagamit ang salitang "nang" bilang pamalit sa salitang "noon":
Halimbawa:
- Nang bata pa ako, nakatira kami sa tabing dagat.
- Nang sumabog ang bulkan, isa kami sa mga naging biktima ng kalamidad.
Tignan ang link na ito para sa iba pang halimbawa:
https://brainly.ph/question/26926318
#SPJ4