👤

Magbigay ng isang katangian ng isang entrepreneur, ipaliwanag.

Sagot :

Answer:

Limang katangian ng isang entrepreneur

Nakatuon ang isip sa layunin at nakapokus dito

Malikhain at malakas ang loob na sumubok na bago

Mayroong pagnanais na makipagsapalaran sa kompetensiya

May kapakumbabaan

Mahaba ang pasensiya o matiisin

Explanation:

Sa panahon natin sa ngayon marami na ang mga negosyante o entrepreneur. Subalit kahit ganoon kadami ang bilang, masasabi natin na iilan o kakaunti lang ang nagtatagumpay sa larangang ito. At sa pamamagitan ng mga katangian na binanggit sa itaas, malaking bagay ang pagkakaroon nito upang magresulta ng maganda. Hindi nasusukat sa laki o liit ang tagumpay ng isang negosyo.

Mayroong mga kaakibat na mga hamon sa pagnenegosyo. Pero malaking tulong ang pag-aaral hinggil dito upang mabawasan ang mga kamalian na nagagawa natin sa pagdedesisyon. Malaking bagay rin ang pagkakaroon ng sipag at pagtitiyaga sa ating mga negosyo at maging masinop. Magkaroon ng positibong saloobin, pananaw at isipin na makakayanan natin ang lahat ng mga pagsubok. At ang pagiging isang entrepreneur o negosyante ay masasabi nating hindi para sa lahat ng tao sapagkat hindi bagay sa mga taong mahina ang loob o kulang ang pagtitiwala sa sarili.