👤

guyz gawa kyo ng sanysay plss, word is "Marahan"
(ibig sabihin "dahan-dahan")


Sagot :

Answer:

Marahang naglakbay ang ulap.

Matamis na susuyuin ang buwan. Iwawagwag ang malambot na buntot at ipapagaspas ang mahalimuyak na bagwis. Aawitin ang sanlaksang himno sa hangin. Susuyurin ang kalawakan at magsasabog ng masaganang ambon.

Ambon. Oh tila kay lakas ng ambon sa buhay ko.

Minsan ko pang nilingon ang buwan. Nagtatago sa kailaliman ng ulap. Duwag!

Ano’t hindi maipakita ang liwanag na taglay. Ano’t ngayo’y tila inakay na nagkukubli sa kaibuturan ng kawalan? Hindi ba’t ikaw na rin ang nagsabi na ang bawat pagibig ay nagwawakas? Hindi ba’t ikaw na rin ang nagtulak sa pusong lango sa dugo ng kawalang pag-asa. At hindi ba’t ikaw na rin ang kumitil ng buhay sa pagsintang kelan pa nga ba muling mararamdaman?

At yaong karagatang pipi sa iyong mga daing. Yaong kabundukang nagkakailang nangahihimlay sa saliw ng hanging habagat. Ano’t ikaw ay ipinagkanulo sa mapanalantang bagyo? Ano’t hindi nahabag sa iyong kaluluwang sabik sa mainit na yakap at halik.

Oh kay dilim ng landas na aking tinatahak. Nasan ka araw? Nasan ang sanlaksang bintuing isinabog ng Maykapal sa kalawakan upang tanglawan ang aking daan? Hindi ko masilayan. Ang aking mga mata’y hilam sa luhang bakit walang katapusan ang pagdaloy? Ang aking katawang lugmok sa kumunoy ng iyong alaala ay bakit hindi huminahon?

Oh kay liwanag ng buwan. Oh kay sigla ng sikat ng liwanag na magdudugtong sa aking mga pangarap. Pangarap na makamtan ang puso mong bakit tila kay ilap? Pangarap na mahawakan ang iyong mga kamay na bakit tila kay hirap abutin. Pangarap na umuwing kasama ka. Pangarap. Oh ang mga hinabing pangarap. Ano’t nakahandusay sa hagdan ng karimlan. At ang diwang nahirati sa tugtugin ng iyong hininga tuwing ikaw ay tulog at walang malay ay unti unting babangon at gigising sa kabalintunaan ng lahat.

Explanation:

sana maka tulong