Sagot :
Answer:
Ang kahulugan ng kasaysayan ay mga pangyayari sa nakalipas na panahon. Ang kasaysayan ay istorya ng isang bayan, bansa o nasyon kasama dito ang lahat ng kuwento ng lipunan tulad ng kabuhayan, pulitika, mga kilalang tao na naging bahagi ng bansa, mga heograpiya, heolohiya at iba pa. Ang kasaysayan ang siyang pinagmumulan ng mga kaalaman o impormasyon at nagsisilbing tagapagsalaysay sa kasalukuyang henerasyon tungkol sa nagdaang panahon.
Explanation:
Ang kasaysayan o historya (Kastila: historia, Ingles: history) ay ang pag-aaral sa nakalipas na panahon.[2] Tipikal na tinutukoy ng salitang ito ang mga pangyayaring nakatala; ang mga pangyayaring naganap bago naimbento ang mga sistema ng pagsulat ay tinatawag naman na prehistorya (Kastila: prehistoria) o prehistorikong kasaysayan. Ang mga nag-aaral sa kasaysayan ay tinatawag na historyador. Gumagamit sila ng mga dokumentong nakasulat, mga pinagpasa-pasahang kuwento (alamat, epiko, kuwentong-bayan, atbp.), sining, artipakto, at palantadaan sa kalikasan para malaman ang mga nangyari sa isang partikular na bahagi ng nakaraan.[3]