Sagot :
Answer:
Ano ang karunungang bayan?
Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Mayaman na tayo sa mga karunungang bayan bago pa man dumating ang mga Kastila dito sa ating bansa. Binubuo ito ng mga sumusunod:
√ Salawikain (Proverb)
√ Sawikain (Idiomatic Expression)
√ Bugtong (Riddle)
√ Palaisipan (Puzzle)
I. SALAWIKAIN
Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Sa iba, ito ay parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral lalo na sa kabataan.
Mga halimbawa ng salawikain:
1. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
2. Hamak mang basahan, may panahong kailangan.
3. Kung ikaw ay may ibinitin, mayroon kang titingalain.
4. Kung sino ang matiyaga, siyang nagtatamo ng pala.
5. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
II. BUGTONG
Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig naman nito ay maaaring apat hanggang labindalawa. Paborito itong libangan ng ating mga ninuno.
Mga halimbawa ng bugtong:
Hinila ko ang baging, nagkakara ang matsing.
sagot: kampana
Kambal ngunit hindi magkakilala, hindi rin nagkikita.
sagot: tenga
Kapag busog ay nakatuyo, kapag gutom ay nakayuko.
sagot:sako
III. PALAISIPAN
Ito ay isang paraan para tumalas ang isipan. Gumigising ito sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa suliranin. Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Noon pa man ay may matatawag nang palaisipan ang ating mga ninuno.
Mga halimbawa ng palaisipan:
1. Paano tatawa ang dalaga nang hindi makikita ang kanyang ngipin?
sagot:Tatakluban ng palad ang bibig.
Explanation:
goodluck