Noong ikaw ay nasa ikatlong baitang, naipamalas mo ang pag- unawa sa pagpapakita ng mga kilos na nagpapahalaga sa sarili, kapwa. bansa, Diyos at Kanyang mga nilikha. Ngayong taon, hangad naman ng asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao na maipamalas mo ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain. Kaakibat nito ang pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos. masaya at mapayapang pamumuhay. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga konspetong may kinalaman sa katotohanan. Mauunawaan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng katatagan ng loob, mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga, pagkamapagtiis, pagbubukas-isip at pagkamahinahon. Kasama rin dito ang pagmamahal sa katotohanan na magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng pamilya. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang nakapagsasabi ka ng katotohanan anoman ang maging bunga nito. R Taglay mo ba ang katatagan ng loob sa pagsasabi ng katotohanan