👤

alamin ang uri ng panlapi at mag bigay ng apat na uri ng pangungusap

Sagot :

Answer:

Ang panlapi ay mga salitang ginagamit upang idugtong o idagdag sa salitang ugat, Maaring na idinagdag ito sa unahan, gitna o hulihan ng mga salitang-ugat upang makabuo ng isang panibagong salita.

Tatlong (3) Uri ng Panlapi

1. Unlapi- ito ang tawag sa panlaping idinaragdag o idinurugtong sa

unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.

Pormula: Panlapi+SU

Halimbawa: mag + lakad = Maglakad

⚫ magtanim

Mahilig magtanim ng halaman si Maris sa kanilang bakuran.

⚫ mahusay

Mahusay sa klase ang anak ni Gng. Cruz na si Lenlen,

⚫ pagkabigat

Pagkabigat ng dalang bag ni Bb. Thelma.

⚫ nahulog

Umiyak ng malakas si Lito dahil siya ay nahulog sa puno.

• palabiro

Ang saya ng kanilang klase sapagkat palabiro ang kanilang guro.

2. Gitlapi-tawag sa panlaping idinaragdag o idinurugtong sa gitna ng

salitang-ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlap! ay -um-, at -in

Pormula: SU+Panlapi

Halimbawa: b+in+aon = binaon

⚫ pinasok

Hindi alam ni Ema na mali ang pinasok niyang trabaho.

⚫ pinalitan

Luma at madumi na ang gamit kong bag sa paaralan kaya pinalitan ito ni tatay.

⚫ gumagamit

Kaya pala ang kinis ng kanyang balat dahil gumagamit siya ng

mamahaling sabon.

⚫ tumakbo

Hinabol siya ng aso kaya tumakbo siya ng mabilis.

⚫ sumayaw

Ang galing sumayaw ng idolo kong si Maja Salvador.

3. Hulapi - ang panlaping Idinaragdag o idinurugtong sa hulihan ng

salitang-ugat. Ang

karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.

Pormula: SU+Panlapi

Halimbawa: inom + in = inumin

.kaligayahan

Ang tanging kaligayahan niya ay makitang masaya ang kanyang

pamilya.

⚫ palitan

Mabilis pinalitan ang aming Punong Barangay dahil sa katiwaliang kanyang ginawa.

⚫ basahin

Bago sagutan ang mga pagsusulit kailangan munang unawain basahin ang panuto.

at

⚫ pinagsabihan

Si Alice ay matigas ang ulo kaya pinagsabihan siya ni Aling Marta.

• sabihin

Minarapat na sabihin ni Liza ang kanyang saloobin kay Luz.

Go Training: Other Questions