Ako po si Donna S. Felipe, isa sa inyong mag-aaral sa ikalimang baitang.
Nilakasan ko po ang loob ko na sulatan kayo para po humingi ng payo sa inyo
tungkol sa aking problema na kinakaharap ngayon. Palagi po akong tinutukso ng
kaklase kong si Donato na sarat daw ang ilong ko at inaagawan po niya ako ng
pagkain tuwing rises. Wala po akong lakas ng loob na sabihin po sa inyo sa harap
ng aking mga kaklase dahil baka po awayin ako ni Donato. Bb. David, ano po kaya
ang maaari kong gawin upang tigilan na po ako ni Donato sa kanyang panliligalig
at panunukso sa akin?
Hihintayin ko po ang inyong payo na alam kong makatutulong sa akin
upang tigilan na po ako ni Donato. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Donna
Mga Tanong:
1. Sino ang sumulat ng liham? 2. Bakit sumulat si Donna sa kanyang guro? 3. Ano ang nararanasan ni Donna sa kanyang kaklaseng si Donato? 4. Paano mo ilalarawan si Donna? si Donato? 5. Kung ang pag-uusapan ay kalusugang mental, emosyonal at sosyal , ano ang masasabi mo kay Donna? kay Donato? 6. Kung ikaw si Donna, susulat ka rin ba sa iyong guro? Bakit? 7. Kung ikaw ay kaibigan o kaklase ni Donna, paano mo siya tutulungan? 8. Mula sa kwentong iyong binasa, ilarawan kung sino o alin ang sitwasyon na nagpapakita o may kinalaman sa kalusugang mental,emosyonal at sosyal. Isulat ito sa inyong journal.