👤

Panuto:A. PAGKILALA SA AKDA ATURING PAGSULAT: Basshing mabuti ang inilalahad na akda at sagutin ang mga katanungan ukol dito Ang DeltYourself.com ay isa sa mga nangungunang website na tumutulong sa mga nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang mga taong ito ay hindi na kumukuha ng mga ekspertong susuwelduhan Pinarangalan ang website na ito ng Time Magazine bilang "One of the Top 50 Sites in the World" Maliban sa napakarami at napakalawak na paksa at iba't ibang bagay na matututuhan nila sa site na ito, ay mayroon din itong mga fonum na nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan ang mga bumibisita sa web site sa kapwa nila nagnanais ding gamitin ang website upang matutong magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Binibigyan din sila ng pagkakataong humingi ng payo sa mga eksperto Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga mamimili na makakuha ng mga impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay. Sa kasalukuyan, ang DeltYourself site ay binibisita bawat buwan ng limang milyong tao mula sa iba't ibang bansa. Dito nakapupulot sila ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa pagkukumpuni. Pinadadali nito ang kanilang buhay dahil sa isang klik lang ay mababasa at kung minsan ay mapapanood pa ng mga paraan kung paano gawin ang isang bagay Sagutin ang katanungan

1.Anong uri ng pagsulat ayon sa layunin ang iyong nabasa ? Bakit?