PAGHAHATOL AT PAGMAMATUWID Ang paghahatol at pagmamatuwid ay isang paraan upang maipamalas natin ang ating mga nalalaman tungkol sa isang isyu, paksa o usapin. Mas nagiging makabuluhan at tama ang pagpapasya, paghatol o pagmamatuwid sa tuwing tayo ay nakakapagsuri ng tama sa mga pangyayari sa ating paligid GAWAIN: ✏️Kumuha o gumupit ng isang balitang nakasulat sa wikang Filipino. ✏️Idikit sa isang bond paper. ✏️Tingnan ang isyu o paksang pinag-uusapan. ✏️Pagkatapos ay sumulat ng isang sanaysay na nakasentro sa pag-unawa sa isyu. ✏️Ibigay ang iyong sariling paghahatol sa isyung nabanggit kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi. ✏️Isulat din ang mali o masamang aspetong nakapaloob sa isyu.