Sagot :
Answer:
Ang konsensiya at likas na batas moral ay nagkaka-ugnay sa kadahilanang ang dalawang konseptong ito ay umaapekto sa mga desisyon na ginagawa ng isang indibidwal.
Konsensiya ang tawag sa kakayahan ng isang taong kumilala ng mabuti sa masama. Sa kabilang banda naman ay ang likas na batas moral ang tumutukoy sa batas kung saan malayang gumawa ng kabutihan o kasamaan ang isang tao.
Ang likas na batas moral at konsensiya ay parehong nagbibigay karapatan at kakayahan sa isang tao na mamili kung siya ay gagawa ng masama o mabuti. Maaaring siya ay gumawa ng kasamaan ngunit siya ay makonsensiya at biglang umako sa kanyang kasalanan.
Ang ating konsensya ay ang boses sa na tayo lamang ang makakarinig na nagsasabi kung ang isang bagay o disisyon ay tama o mali. Bukod rito, atin ring mararamdaman agad ang pakiramdam kung tama nga ba o mali ang ating na gawa. Samantala, ang likas na batas na moral naman ay isang konsepto na kung saan kahit hindi naka sulat sa batas, alam na natin na mali o tama ang isang bagay. Halimbawa, ang pag patay ng tao ay mali. Hindi na kailangan pang isulat ito sa batas para ating malaman na mali ito.
Ang likas na batas na moral ay sinasabi rin na galing sa Diyos. Ito ay dahil ang mga tao ay dapat sumunod sa mga yapak at karununganat ng Diyos. Ito rin ay nakalapat sa ating konsensya at nakaukit sa ating pagkatao.
Nagkakaugnay ang konsensya at likas na batas na moral sapagka’t sa dalawang konseptong ito ay naglalayong mapaisip ka kung ang ginawa o ginagawa o ang mga disisyon natin ay nakabatay sa kung ano ang “tama” at saka nating masasabing ang ginawa o ginagawa natin ay mabuti.