Sagot :
Berbal na Komunikasyon - ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga kaisipan
Denotatibo
Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita
Konotatibo
Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon o pansaloobin
Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan o kahulugang literal
Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal
Referent mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay
Komong Referens - tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng mga tao.
Kontekstong Berbal - ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa kaugnayan nito sa ibang salita
Paralanguage magbigay ng kahulugang kaonotatibo
Di-Berbal na Komunikasyon - tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng kilosng katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.
Kinesics - tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat may ibinibigay na kahulugan ito.
Expresyon ng Mukha - nagpapakita ng emosyon
Galaw ng Mata - nagpapakita ng katapatan ng isang tao
Kumpas - tumutukoy sa galaw ng kamay, maari itong regulatibo, deskriptibo o empatiko
Tindig o Postura - ito ay nagpapakita kung anong klaseng taong ito na nag-uusap sa iyo
Proksemika - tumutukoy sa komunikasyon gamit ang distansya
Intimate hanggang sa 1-1/2 ft.
Publiko 12 ft. o higit pa
Sosyal - 4-12 ft.
Personal 11/24 ft.
Kronemika - tumutukoy sa oras
Teknikal ang oras na ginagamit para sa laboratoryo
Pormal - kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano itinuturo
Impormal - ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto
Sikolohikal ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan
Haptiks - ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagpapahiwatig ito ng
positibong emosyon.
Katahimikan nagbibigay ng oras na mag-isip ang tagapagsalita
Kapaligiran - ang lugar na gagamitin sa anumang pulong
Simbolo ang mga makikita sa paligid na
nagsasaad ng mensahe
Kulay - nagpapahiwatig ng emosyon
Bagay ang paggamit ng bagay sa
pakikipagtalastasan
Explanation: