pahayag ng panahon ng himagsikan
![Pahayag Ng Panahon Ng Himagsikan class=](https://ph-static.z-dn.net/files/dff/f8cfc18d58f08f25202ec0c550f0049d.jpg)
Answer:
Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan
Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga sanaysay at pahayagan ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan
Ilang sa mga pahayagan noon ang:
1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni PioValenzuela.
2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898.
5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.
8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.
Explainaion:
#HOPE ITS HELP
#MARK ME AS A BRAINLIEST TNX