Sagot :
Answer:
Pagpapalit Tawag
Pagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na tinutukoy. Ito ay maaaring paggamit ng sagisag para sa sinasagisag. Maaring paggamit ng lalagyan para sa bagay na inilalagay. Maaring pagbanggit ng simula para sa wakas o wakas para sa simula. Ito ay pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay hindi sa kahambingan kundi sa kaugnayan.
Mga Halimbawa ng Pagpapalit Tawag:
Si Prinsipe Charles ang magmamana ng korona ng Inglatera.
Apat na bote ang nawawala sa itinago niyang kahon.
Matatamis na ngiti ang naging bunga ng kanyang kabayanihan.
Ang korona sa unang pangungusap ay ginawang pamalit para sa trono ng hari.
Ang bote ay ginamit na pamalit sa mga alak.
Ang matatamis na ngiti ay kumakatawan sa kaligayahan.
Explanation: