Petsa: 1. Panuto: Isulat kung anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ang nararapat sa sumusunod na sitwasyon. 1. Ang pinamiling ulam ng mag-asawang John at Karylle ay karne dahil tagtuyot mas mataas ang presyo ng mga gulay sa palengke. 2. Namili ng iba't ibang appliances para sa kanilang bahay si Fritz sapagkat nakatanggap siya ng kanyang unang sahod bilang manager ng kompanya 3. May papalapit na bagyo sa lugar nila Angela kaya namili siya ng iba't ibang de lata sa supermarket bilang paghahanda. 4. Naging biktima ng isang investment scam si Jay kaya kinailangan niyang bayaran ang perang kanyang na-invest na hindi kumita. 5. Usong-uso se mga kabataan ngayon ang Realme na cellular phone. Dahil dito, hindi nagpahuli si Jane at nagpabili siya nito sa kanyang mga magulang.