A Pagyamanin BC Tawaging muli ang iyong magulang o kapatid. Ipabasa nang malakas sa kanila ang sumusunod na teksto. Pagkatapos, pagsusunud-sunurin ang mga pangyayari sa pagsulat ng bilang 1-5. Ang Aso at ang Uwak Tinangay niya ito at lumipad nang malayo. May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne. na Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso nagsabing, "sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!" Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso. Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne. Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.