👤

panuto: basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap bilugan ang titik ng tamang sagot.

26. paano natuklasan ng mga Espanol ang lihim ng katipunan

a. dumalo ang mga espanol sa pagtitipon nito
b. may nagsiwalat sa mga gawain nito
c. nag alsa ang miyembro nito
d. namigay ito ng mga polyetos

27. bakit napaaga ang pagsiklab ng himagsikan?

a. namatay si Jose Rizal
b. natuklasan ang lihim ng kilusan
c. nagkasundo sundo ang mga pinuno nito
d. nakapaghanda ng mabuti ang kasapi nito

28. bakit hindi naging matagumpay ang paghihimagsikan ng mga pilipino laban sa mga espanol

a. wala itong mahusay na pinuno
b. hindi malinaw ang layunin nito
c. kulang sa pagkakaisa ang mga pilipino
d. kaunti ang bilang ng mga pilipino noon

29. ano ang ginawa ng mga Espanyol sa mga nahuli nilang katipunero?
a. pinalaya
b. ikinulong at pinatay
c. ipinadala sa espana
d. tinuruan at pinag aral

30. alin sa sumusunod ang hindi layunin ng katipunan?

a. makamit ang kalayaan ng pilipinas
b. pagkakaisa ng mga mamamayang pilipino
c. pagpapatupad sa mga layunin ng kilusang propaganda.
d. pagtatanggol sa mga mahina at maralitang mamamayan.