Tuklasin Gawain 2: Media Ngayon! Panuto: Suriin ang salita o mga salitang may salungguhit kung angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung angkop ito at ekis (X) naman kung hindi. 1. Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang Broadcast Media. 2. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili ang telebisyon 3. Maaaring manood din ng mga balita sa teleradyo. 4. Isang mekanismo ng pagbabago at pag-unlad ng kulturang Pilipino ang Social Media. 5. Mayaman sa impormasyon ang anumang balita.